Wednesday, May 8, 2024

Delatang dala ng OFW mula Hong Kong nagpositibo sa ASF

- Advertisement -

Nagpositibo sa african swine fever (ASF) ang delatang bitbit ng isang OFW na dumating sa Clark International Airport mula Hong Kong.

Ang nasabing OFW, ayon kay Agriculture secretary Manny Piñol ay dumating sa bansa nitong nakalipas na March 25 kung kailan kinumpiska rin ang mga delatang dala nito.

Sinabi ni Dr. Rachel Azul ng virology section ng Bureau of Animal Industry na ang mga naturang canned goods ay nagpositibo sa ASF nang isailalim sa pagsusuri.

Sa kabila nito, tiniyak ni Piñol na nananatiling ASF free ang Pilipinas lalo na’t wala namang report ng swine fever infections sa mga baboy sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img