Kapangyarihan ni Robredo bilang drug czar hindi maaaring limitahan ng iba maliban kay Duterte —VP Spox

Kapangyarihan ni Robredo bilang drug czar hindi maaaring limitahan ng iba maliban kay Duterte —VP Spox

by Powered by DWIZ
16 views

Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang maaaring magtakda ng limitasyon sa kapangyarihan ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ito ang buwelta ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. General Archie Gamboa na hindi dapat nakikialam ang pangalawang pangulo sa usapin ng law enforcement kaugnay ng war on drugs.

Ayon kay Gutierrez, bukas at nakahandang makinig si Robredo sa lahat ng mga suhestiyon hinggil sa kanyang tungkulin bilang anti-illegal drug czar.

Gayunman, itinalaga din aniya ang pangalawang pangulo para mapamunuan ang lahat ng mga ipinatutupad na hakbang ng pamahalaan para labanan ang problema sa iligal na droga.

Tiniyak din ni Gutierrez na kailanman ay hindi ilalagay sa alanganin ng pangalawang pangulo ang pambansang seguridad at ilalabas ang mga classified information ng pamahalaan.

Magugunitang sinabi ni PNP OIC Gamboa na dapat na tutukan ni Robredo ang rehabilitasyon ng mga drug users sa halip na manghimasok sa ang usapin law enforcement o operasyon ng pulisya.

0 comment

Related Posts