Radio Philippines Network
Headlines National News

Drilon hindi marunong mag bilang —Duterte

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na bigo ang infrastructure program ng pamahalaan na ‘Build, Build, Build’.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi marunong magbilang ang senador at hindi nito tinitignan ang mga natapos o nasimulan nang mga proyekto.

Aniya, walang batayan at hindi tama ang pahayag ni Drilon bagama’t malaya itong magbigay ng mga pananaw.

Iginiit ng Pangulo, hindi bigo ang infrastructure program ng kanyang administrasyon kung titignan ang mga napagawang mga paliparan at mga kalsada sa kahabaan ng Luzon.

Magugunitang noong nakaraang linggo, sinabi ni Drilon na malaking kabiguan ang ‘Build, Build, Build’ projects ng pamahlaan matapos mapag-alamang 9 pa lamang sa 75 flagship projects sa ilalim nito ang  naumpisahan.

Related posts

PNP nakahandang magpatupad ng warrantless arrest sa mga napalayang bilanggo sa ilalim ng GCTA

Powered by DWIZ

Duterte sobra-sobra ang nakukuhang suporta mula sa militar — Palasyo

Powered by DWIZ

DepEd: Hindi na dapat alalahanin ng mga guro ang kanilang loan payments sa gitna ng ECQ

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More