Monday, May 6, 2024

Kampo, istasyon ng pulis hindi magpapatupad ng ‘no face mask, no entry policy’ — Gamboa

- Advertisement -

Hindi magpapatupad ng “no facemask no entry policy” sa mga kampo at istasyon ng pulisya.

Ito ang naging paglilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa kasunod ng ulat ng pagpapatupad ng mahigpit na seguridad laban sa 2019 novel coronavirus active respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Ayon kay Gamboa, kanya lamang inoobliga ang lahat ng mga pulis, non-uniformed personnels at mga bibista sa mga kampo na magsuot ng facemask at magbaon ng rubbing alcohol.

Unang sinabi ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. General Camilo Cascolan na magpapatupad sila ng mahigpit na seguridad sa Kampo Krame kung saan hindi aniya papapasukin ang mga police personnel at sibilyang hindi nakasuot ng facemask. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img