Sunday, May 5, 2024

Kampanya kontra droga sa buong mundo suportado ni Pope Francis

- Advertisement -

Suportado ni Pope Francis ang kampanya kontra iligal na droga sa mundo.

Sa isang pulong sa Vatican City kaugnay sa drug addiction, ipinunto ng Santo Papa na tungkulin ng bawat gobyerno na labanan ang mga drug trafficker na kanya ring tinawag na nagtutulak sa mga tao sa kamatayan.

Nanawagan din si Francis sa bawat isa na sugpuin ang produksyon at pagkalat ng anumang iligal na droga at harapin nang may tapang ang mga tinaguriang “trafficker of death.”

Bukod sa iligal na droga, tinalakay din sa pulong ang mga panibago at lumang uri ng adiksyon na nakasasagabal sa pag-unlad ng sangkatauhan.

Kaugnay nito, tumaas ang morale ng gobyerno sa gitna ng pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ng Duterte administration.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, makabuluhan at napapanahon ang pahayag ng Santo Papa sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas.

Mismong ang Simbahang Katolika na aniya ang nakaramdam ng kahalagahang ibalik sa sistema ng lipunan ang sinumang nakararanas ng adiksyon lalo ang mga nalululong sa droga.

Kasabay nito, ipinagmalaki naman ni Panelo ang mga tagumpay ng administrasyon sa pagpuksa sa mga nagpapakalat ng droga na salot sa lipunan.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img