29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Ilang kalsada sa Maynila sarado para sa political event ng ‘Hugpong’

- Advertisement -

Sarado ang ilang kalsada sa Malate, Maynila para sa event ng mga political party na Hugpong ng Pagbabago at Puwersa ng Masang Pilipino o PMP sa San Andres Sports Complex, mamayang alas-7:00 ng umaga.

Ayon sa Manila Police District (MPD), dadalo sa naturang aktibidad sina Manila Mayor Joseph Estrada, Chairman ng PMP at Presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Chairperson ng Hugpong.

Magpapatupad naman ang MPD Traffic Enforcement unit ng traffic rerouting scheme habang pinayuhan ang mga motorista na iwasan muna ang Malate area lalo’t inaasahan na ang matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Kabilang sa mga saradong kalsada ang San Andres Street mula Adriatico Street hanggang Guerrero Street; Leveriza Street mula Quirino Avenue hanggang San Andres Street.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -