Kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu posibleng pagganti ng Abu Sayyaf —PH Army

0
13

Sinisilip na ng militar ang posibilidad na pag-ganti lamang ng Abu Sayyaf ang nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ito ay matapos na maaresto ng mga otoridad si ASG leader Anduljihad ‘Idang’ Susukan.

Ayon kay 11th Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Ronald Mateo, tiwala siya na ang ASG ang nasa likod ng pag-atake na ikinamatay ng hindi bababa sa 10 katao.

Kaugnay nito, sinabi ni AFP spokesman Maj. General Edgard Arevalo na naka-alerto na ang Joint Task Force Sulu at 11th infantry division matapos ang kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Gayunman, umapela naman si Arevalo sa mga residente sa Jolo, Sulu na manatiling kalmado ngunit mapagmatyag, at agad na ipagbigay alam sa mga otoridad ang anumang kahina-hinalang indibidwal o bagay sa lugar.