Sumampa na sa higit 3,000 ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito ay matapos na maitala ang 13 panibagong kaso ng COVID-19 kung kaya’t sumampa na sa kabuuang 3,010 ang bilang ng mga nasawi.
Kaugnay nito, naitala naman ang 4,686 na panibagong kaso ng impeksyon ng COVID-19.
Dahil dito, nasa kabuuang 194,252 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa bilang ng panibagong kaso ng COVID-19, 4,045 o katumbas ng 86% sa mga ito ang tinamaan o nahawa lamang ng COVID-19 sa nakalipas na 14 na araw.
Gayunman nasa 132,042 naman ang bilang ng mga nakarekober sa sakit habang nasa 59,200 naman ang aktibong kaso nito sa bansa.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,686 ngayong Lunes, Agosto 24.
Pumalo na sa kabuuang 194,252 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 59,200 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/htDiJT4XMb
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 24, 2020