Kalidad ng hangin sa Metro Manila bumubuti sa gitna ng ECQ

0
34

Bahagya nang bumubuti ang kalidad ng hangin sa Metro Manila sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Sa pahayag ng Manila Public Information Office (PIO), lumabas sa pag-aaral ng Asia Blue Skies Program na bumaba ng 71% ang polusyon sa hangin sa Metro Manila.

Kaugnay nito, gumanda rin ang kalidad ng hangin sa may bahagi ng Rizal Park kung saan bumaba ng 60% ang air pollution kumpara noong hindi pa isinasailalim ang Metro Manila sa lockdown.

Sa ngayon, itinuturing namang malaking hamon sa mga local government unit kung paano mapapanatiling mababa ang polusyon sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar sa oras na tanggalin na ang ECQ at balik na muli ang operasyon ng mga pampasaherong sasakyan.