36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Kalagayan ng mga Pinoy sa mga bansang apektado ng nCoV binabantayan ng OWWA, DFA

- Advertisement -

Mahigpit na binabantayan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng mga Pilipinong nasa mga bansang apektado ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ito’y ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, kung saan pinaplantsa na ng OWWA ang repatriation o pagpapa-uwi sa mga Pilipinong nagpaabot na ng pagnanais na makauwi ng bansa dahil sa panganib ng 2019 nCoV-ARD.

Kaugnay nito, sinabi ni Cacdac na tinutulungan na rin ng OWWA ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng umiiral na travel ban sa China at special administrative regions nito na Macau at Hong Kong, matapos na mapaulat na daan-daang Pilipino ang nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na travel ban.

Tayo po ay nag-aasiste sa kanila. Kahapon po ay laganap sa tanggapan ng OWWA ang pagtulong natin, pag-asiste natin, sa mga hindi makaalis kaya nagbibigay tayo ng financial assistance, temporary shelter sa mga nangangailangan, transport pauwi kung kailangan nila ng tulong patungkol dito,” ani Cacdac. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -