Nanatiling pangulo ng Estados Unidos si Donald Trump.
Ito ay matapos na i-absuwelto ng Senado si Trump sa dalawang articles of impeachment na kinakaharap nito, kabilang na ang pang-aabuso sa kapangyarihan at obstruction of congress.
Sa botong 52-48, pinawalang sala ng senate impeachment court si Trump sa unang article of impeachment na abuse of power na nag-ugat sa kaniyang request na imbestigahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky, ang kaniyang political rival na si Joe Biden, kapalit ng military aide ng Amerika sa Ukraine.
Sa botong 53-47, absuwelto rin si Trump sa ikalawang article of impeachment na obstruction of congress, matapos na harangin ni Trump ang mga dokumento at testigo na iprinisinta ng U.S. House of Representatives.