Kabuuang bilang ng mga health workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19 umakyat na sa 2,420

0
12

Umakyat na sa 2,420 ang bilang ng mga health workers sa bansa na nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula sa kabuuang bilang 1,226 dito ang aktibong kaso kung saan 288 ang asymptomatic, 936 naman ang mild cases habang dalawa ang nasa malubhang kalagayan.

Dagdag pa rito nasa 304 naman ang mga non-medical staff na tinamaan rin ng sakit.

Samantala, umabot naman sa 1,163 ang health workers na gumaling sa COVID-19 habang nananatili naman sa 31 ang nasawi.