Kabuuang bilang ng mga COVID-19 cases ng mga Pinoy sa ibang bansa umabot na sa 2,461

Kabuuang bilang ng mga COVID-19 cases ng mga Pinoy sa ibang bansa umabot na sa 2,461

by Powered by DWIZ
29 views

Nadagdagan ng anim ang bilang ng mga Pilipinong nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.

Ayon sa DFA hanggang kahapon, May 21 pumapalo na sa 2,461 ang mga Pilipinong kumpirmadong positibo sa COVID-19 mula sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang 1,315 Pilipino ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t-ibang ospital.

Tatlong Pilipino naman ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipinong naka-recover sa COVID-19 kaya’t pumapalo na sa 861 ang total recoveries samantalang nasa 285 ang death toll nang apat pang Pinoy ang sumakabilang bahay dahil sa nasabing virus.

Umakyat sa 752 ang kumpirmadong kaso ng mga pinoy na nag positibo sa COVID-19 sa Europa, 713 cases sa Middle East/Africa, 544 sa America at 452 sa Asia Pacific Region.

0 comment

Related Posts