Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Quezon City umabot na sa mahigit 1,000

0
20

Sumampa na sa higit 1,000 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Quezon.

Batay sa pinakahuling ulat, nadagdagan pa ng 20 ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City kaya’t sumampa na ito sa 1,016.

Sa nabanggit na bilang, 90 ang mga nasawi.

Kaugnay nito, nadagdagan din naman ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 at sumampa na sa 83.

Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang community-based COVID-19 testing sa Quezon City.