30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

COVID-19 testing facility ng Marikina City hinangaan

- Advertisement -

Labis na hinangaan ni Health Sec. Francisco Duque III ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing facility ng Marikina City.

Ayon kay Duque, dapat na maging huwaran ang lokal na pamahalaan ng Marikina City sa iba pang mga Local Government Unit (LGU) dahil sa pagpupursigi nito na mapaganda at mapaigting ang kanilang testing capacity.

Aniya, maituturing din na isa sa pinakamaganda ang laboratoryong itinayo ng lungsod ng Marikina.

Gayunman, humingi naman ng paumanhin si Duque sa mabagal na akreditasyon ng nabanggit na laboratoryo.

Sinabi ni Duque, ito ay dahil nais lamang ng DOH na matiyak na akma sa mga itinakdang protocols ang COVID-19 testing facility lalo na’t nahaharap sa isang krisis pang-kalusugan ang bansa.

Sa ngayon, inaasahan nang mag-isyu ng accreditation ang DOH para sa testing facility ng Marikina.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -