Junjun Binay itinuloy ang pagbangga sa kapatid na si Mayor Abby Binay

0
45

Itinuloy ni dating Makati Mayor Junjun Binay ang pagbangga sa kanyang kapatid na si incumbent Mayor Abigail Binay sa May 2019 elections.

Naghain na ng kanyang certificate of candidacy o COC si Binay upang ituloy aniya ang Binay brand of governance na hindi umano maibigay ng kanyang Ate Abigail sa mga mamamayan ng Makati City.

Si Makati First District Congressman Monsour del Rosario ang napiling maging running mate ni Binay.

Una rito, sinabi ni dating Vice President Jejomar Binay na hindi siya makikialam sa banggang Abigail-Junjun at ipauubaya na sa taongbayan kung sino ang karapat-dapat sa kanilang boto.

—-