Direkta nang maisusumbong online ng publiko sa Joint Task Force COVID-19 Shield ang mga paglabag sa mga quarantine protocols.
Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Commander ng JTF COVID-19 Shield, naglunsad na sila isang facebook account upang direktang maisumbong ng mga netizens ang mga pasaway na patuloy na lumalabag sa standard health protocols.
Sinabi ni Eleazar, ina-upload kasi online ng mga netizens ang kanilang mga paglabag sa mga protocols gaya nang pagdalo sa mga okasyon gayong mahigpit na ipinagbabawal ang mga mass gatherings.
Maari aniyang ipagbigay alam sa facebook.com/jtf.shield ang mga sumbong hinggil sa quarantine violations.
Dagdag pa nito, imo-monitor din ng PNP ang mga pribadong account sa social media para sa mga violations gaya ng inuman sa kalsada at mga pampublikong lugar, pagsusugal, mga malalaking selebrasyon at iba pa.