Monday, May 13, 2024

Joint investigation ukol sa Recto Bank incident nakabitin pa

- Advertisement -

Nakabitin pa ang mungkahing joint investigation ng Pilipinas at China sa pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino at pag abandona sa mga ito sa gitna ng dagat.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakatakda pa lamang pag usapan ang mekanismo o kung paano ito isasagawa.

Posible anyang matalakay ito sa cabinet meeting sa Lunes o kaya ay posibleng magpatawag sila ng pulong ng cabinet cluster on justice and peace.

Ipinaliwanag ni Guevarra na mahalagang magkaroon ng joint investigation upang matiyak na magiging katanggap tanggap sa bawat isa ang resulta ng imbestigasyon.

Samantala, bukas rin anya ang Malakanyang sa 3rd party sa imbestigasyon.

Maaari anyang magsagawa ang 3rd party ng sariling imbestigasyon sakaling hindi maging maganda ang resulta ng joint investigation o kaya ay magsilbi na lamang itong moderator sa joint investigation.

Ayon kay Guevarra, pinakamagandang maaaring mangyari ay may umamin sa magkabilang panig na sila ay nagkasala at handa silang gumawa ng aksyon upang maituwid ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -