35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

John Lloyd Cruz may bagong look

- Advertisement -

Maraming fans ng aktor na si John Lloyd Cruz ang na-excite matapos lumabas ang larawan nito taglay ang bagong look.

Batay sa larawan na ipinost ng bagong produktong iniendorso ng aktor, tinanggal na ni John Lloyd ang kanyang balbas na isa rin sa kanyang naging signature look matapos magpahinga sa showbiz.

Umaasa naman ang mga fans ni Lloydie na nalalapit na ang pagbabalik showbiz nito dahil sa sunod-sunod nitong bagong endorsement.

Maliban pa ito sa inaasahang maikling role ni Lloydie sa pelikulang Cullion na isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Sa ngayon, ilang beses na ring namataan ng publiko si John Lloyd kasama ang kanilang anak ni Ellen Adarna na si Elias.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -