EO na nagtatakda sa regulasyon laban sa Vape ilalabas na ni Pangulong Duterte—DILG

0
16

Ilalabas na ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na nagtatakda ng regulasyon sa paggamit ng vape lalo na sa mga pampublikong lugar.

Iyan ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año matapos nitong ilunsad sa Marikina City ang kanilang “Disiplina Muna” Program.

Ayon kay Año, ipinabatid sa kaniya ng Pangulo na nais nito na hindi lang i-regulate ang paggamit ng Vape kung hindi ipagbawal ang pagbebenta gayundin ang paggamit nito.

“Ngayong araw, maglalabas ng EO ang Malacañang regarding the regulations on the use of vape. The President really wanted not only [to ban] the use of vape but even the selling of vape” wika ni Sec. Año.

Sinabi pa ng Kalihim, sakaling mailabas na ang nasabing kautusan ay magpapalabas din siya ng Memorandum Circular para ipag-utos sa mga Local Government Unit na magpatupad ng Ordinansa alinsunod sa nasabing EO.

”Paglabas nitong EO na hinihintay natin, maglalabas tayo ng memorandum circular kung saan ay ipag-uutos natin sa ating mga LGU na magpalabas ng ordinansa sa pagpapatupad ng executive order,” ani Año.