Libu-libong trabaho ang naghihintay sa mga Pinoy sa isasagawang job fair sa Mandaluyong City kasabay ng paggunita ng ika-tatlumpu’t tatlong taong anibersaryo ng EDSA People Power ngayong araw.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa dalawampung libong (20,000) local at overseas jobs ang iaalok ng limampung (50) makikilahok na employers at recruitment agency para sa mga Pinoy.
Gaganapin ang naturang job fair sa activity center ng Starmall sa Shaw Boulevard sa Madaluyong.
Kabilang sa mga iaalok na posisyon ay production workers, customer service representative, production machine operators, product promodizer, electrician, steel-man at service crew.
Posible namang makapag-trabaho sa mga bansa gaya ng United States, Malaysia, Canada, Germany, South Korea at iba pang bansa ayon sa job orders na ilalabas ng iba’t ibang recruitment agencies.
—-