Bagyo sa labas ng PAR patuloy na binabantayan ng PAGASA

0
46

Inaasahang papasok ang Typhoon Wutip sa Philippine Area of Responsibility o PAR sa Miyerkoles, Pebrero 27.

Huling namataan ang bagyo sa layong isang libo siyamnaraan at apatnapung (1940) kilometro sa silangan ng southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa isandaan walumpu’t limang (185) kilometro kada oras at pagbugso ng hanging aabot sa dalawang daan at dalawampu’t limang (225) kilometro kada oras.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa oras na makapasok ang bagyo sa PAR ay papangalanan itong ‘Betty’.

Inabisuhan naman ang publiko na manatiling alerto at mag-antabay sa mga susunod na advisory ukol sa nasabing sama ng panahon.

—-