JBC binuksan na ang aplikasyon para sa dalawang mababakanteng posisyon sa SC

0
51

Binuksan na ng JBC o Judicial and Bar Council ang aplikasyon para sa dalawang mababakanteng posisyon sa Korte Suprema.

Ito ay sa oras na maabot na nina Senior Associate Justice Francis Jardeleza at Antonio Carpio ang kanilang compulsory retirement September 26 at October 26 ngayong taon.

Gayundin, binuksan na ng JBC ang aplikasyon para sa posisyon ng legal education board chairperson at regular member representing Integrated Bar of the Philippines.

Ito naman ay bilang kapalit nina Legal Education Board Chairperson Emerson Aquende at regular member Zenaida Elepano na nagretiro naman noong January 13.

Kinakailangan lamang magsumite ng dalawang set ng application o recommendation at iba pang dokumento ng mga interesadong aplikante hanggang alas4:00 ng hapon ng July 30.