Dagdag-presyo sa ilang bilihin aprubado na – DTI

0
58

Aprubado na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dagdag-presyo ng ilang brand ng gatas, kape at patis.

Ayon sa DTI, dagdag na P0.50 hanggang P2.00 ang inaasahang dagdag sa gatas, P0.50 hanggang P0.80 sa presyo ng patis at P1.00 naman sa kape.

Ngunit nilinaw ng DTI na epektibo lamang ang dagdag-presyo sa kalagitnaan pa ng Hulyo kapag na publish na sa mga pahayagan ang mga bagong presyo.

Kaugnay nito, inihirit naman ng Laban Konsyumer na idaan sa hearing ang anumang dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin.