Japan magbibigay ng P12-B development fund para sa Mindanao

0
58

Tiniyak ng Japan na magbibigay ito ng P12-B development fund para sa Mindanao.

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa joint press event kasama si Japanese Prime Minsiter Shinzo Abe, kahapon.

Ayon sa pangulo, ang pondong ito ay gagamitin para sa road network, vocational training facilities, at ibang pang proyekto sa Mindanao.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte si Abe dahil sa pag-nanais nitong maitaguyod ang kapayaan sa Mindanao.

Samantala, tiniyak rin ni Prime Minister Abe na ipagpapatuloy ng Japan ang pagsuporta nito upang mapaunlad ang Pilipinas.

Japan is a reliable, responsible, relevant part. We value Japan’s recipient driven approach to cooperation and development.” pahayag ni Pangulong Duterte.