‘Jacky Co’ kinasuhan na – PDEA

0
72

Sinampahan na ng kasong kriminal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Chinese national na umano’y nasa likod ng higit P1-B shabu shipment.

Kaugnay ito ng 276 kilo ng shabu na nagkaka-halaga ng P1.8-B na nasabat ng mga otoridad sa Manila International Container Port (MICP).

Matatandaang sa privilege speech ni Senator Panfilo Lacson itinuro nito si Xu Zhi Jian alyas “Jacky Co” na umano’y nasa likod ng kontrabando.

Sa isang pahayag, nilinaw ng PDEA na sinampahan na nila si Jacky Co at 16 na iba pa ng kasong importation of dangerous drugs sa Department of Justice (DOJ).

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senador Lacson na posibleng nakalabas na ng bansa si Co.

Samantala, nilinaw naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na wala sa interpol watchlist si Co at wala rin itong hold departure order.

Gayunpaman, inatasan pa rin ni Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang naturang shipment at magsampa ng hiwalay na kaso, kung kinakailangan.

We have done our successful backtracking investigations and we will file the case against Jacky Co.”  ani Derrick Carreon, tagapagsalitang PDEA.