Thursday, May 2, 2024

James Younghusband nagretiro na sa football

- Advertisement -

Nagretiro na sa paglalaro ng football si James Younghusband ng Philippine Azkals.

Inanunsyo nito ang kanyang pagreretiro sa pamamagitan ng social media post kung saan pinasalamatan rin ni James ang lahat ng naging bahagi ng kanyang professional career.

Samantala, matatandaang unang lumahok si James kasama ang kanyang kapatid na si Phil Younghusband sa U-23 national team noong 2005 sa Southeast Asian Games.

Naging bahagi rin ng Philippine Azkals ang magkapatid noong 2010 sa pag-usbong ng kampanya ng football team sa 2010 AFF Suzuki Cup.

Una namang nagretiro ang nakababata nitong kapatid na si Phil sa karera sa football –pitong buwan na ang nakalilipas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img