Castro hinamon si Briones na mag-demo ng distance learning

0
16

Hinamon ng ilang kongresista si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na mag-demo ng distance learning.

Ayon kay Assistant Minority Leader at ACT Teachers Representative France Castro, ito ay upang personal na malaman ng kalihim kung talagang handa ang sektor ng edukasyon sa pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto.

Paliwanag ni Castro, malaking sakripisyo kasi ang ipinipilit ng DepEd na blended learning gayung kulang naman ang pasilidad, materyales, personnel at suporta para maka-access ng dekalidad na edukasyon ang mga estudyante.

Hindi rin aniya kakayanin ng mga mag-aaral na turuan ang kanilang mga sarili sa pagbabasa ng learning materials sa bahay dahil hindi naman lahat ng magulang ay magagabayan ang kanilang mga anak.

Giit pa ng mambabatas na ang mababang enrollment rate ngayong school year ay isang senyales na maraming mag-aaral ang hindi makakasunod kapag pinilit ang blended learning mode ng DepEd.