Itinilagang bagong BOD president ng BENECO si Atty. George Dumawing

0
8
photo courtesy of Beneco

Baguio City – Nagkaisang inihalal ng mga bagong halal na Beneco Board of Directors ang kinatawan ng District 9 na sumasaklaw ng Munisipyo ng Sablan at Tuba na si George M. Dumawing, Jr. bilang Pangulo ng board.

Habang ang kinatawan ng District 5 sa Baguio na si Claudio Calugan ang napili bilang ikalawang pangulo ng Beneco Board of Directors.

Magsisilbi ni Atty Dumawing ng isang taon upang sundin ang tradisyon ng mga nakaraang Beneco Board of Directors na ang Pangulo ng nito ay iikot sa mga Board of Directors nito sa Baguio at Benguet.

Dahil sa kinatawan ng Benguet District si Dumawing, ang ikalawang pangulo na si Calugan ay magiging Pangulo matapos ang isang taon.

Habang si Dumawing ay magsisilbi bilang isa sa mga limang National Electrification Administration (NEA) appointed interim Task Force BENECO directors matapos ang government regulator ay pumasok upang bigyang solusyon ang sigalot sa pamumuno noong Enero a 11 noong nakaraang taon. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: BENECO)

Leave a Reply