Sunday, May 5, 2024

Itinaas ni Duterte sa P50-M ang pabuya sa mga Pinoy na makakagawa ng bakuna kontra COVID-19

- Advertisement -

Iniakyat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P50-M ang alok na pabuya sa sinumang Pilipinong makagagawa ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay mula sa nauna niyang alok na P10-M.

Ayon kay Pangulong Duterte, kanyang dinagdagan ang reward dahil alam aniyang hindi lamang iisang tao ang nagta-trabaho para sa pagbuo ng bakuna.

Dagdag pa ng Pangulo, posibleng doblehin niya pa aniya ang pabuya at gawing P100-M sakaling siya ay masiyahan.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Pangulong Duterte ang pondo para sa mga siyentipiko at eksperto na nasa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) na nagsasagawa rin ng pag-aaral sa mga bakuna.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img