Isinusulong na ‘rev gov’ ilegal —Lorenzana

0
8

Suportado ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang mga mungkahing imbestigahan ang grupong nagsusulong na magtatag ng isang revolutionary government o ‘rev gov’.

Ito’y matapos kumpirmahin ng kalihim na inimbitahan din siya ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Committee na lumahok sa kanilang kawsa o ipinaglalaban.

Una rito, nagpadala rin ng kaparehong liham ang grupo kina Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Gamboa at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay.

Ayon kay Lorenzana, ilegal ang isinusulong ng grupo at labag ito sa saligang batas lalo pa’t tinatamasa ngayon ng kasalukuyang administrasyon ang nasa 80% trust rating.