Isinagawang eleksyon nananatiling malinis — LENTE

0
55

Posibleng abutin pa ng isang buwan bago mailabas sa publiko ang resulta ng ginagawang random manual audit ng grupong Legal Network for Truthful Elections (LENTE).

Iyan ang ginawang pag-amin ni Atty. Rona Anne Caritos makaraang iulat nito na nangangalahati na sila mula sa 715 balota ang kanilang mano-manong nabilang.

Katuwang ng LENTE sa pag-aaudit na ginagawa sa Diamond Hotel sa Maynila ay ang Philippine Institute of Certified Accountants at mga public school teachers.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Caritos na wala pang anumang kahina-hinalang bagay na natukoy ang LENTE sa ginagawa nilang audit kaya’t masasabi nila sa ngayon na malinis ang walang daya ang nangyaring halalan.

—–