33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Isinaayos Ng Primewater Surigao Metro At Surigao Metropolitan Water District Ang Mga Linya Ng Tubig Sa Surigao City Central Elementary School Noong Ika-15 Ng Setyembre 2021

- Advertisement -

Surigao City, Surigao del Norte –  Isinaayos ng PrimeWater Surigao Metro at Surigao Metropolitan Water District ang mga linya ng tubig sa Surigao City Central Elementary School noong ika-15 ng Setyembre 2021.

Ang pag-susuri at pag-kumpuni ng PrimeWater Surigao Metro sa mga linya ng tubig ng paaralan ay tulong upang maging handa sila sa pagbubukas ng klase ngayong school year 2021-2022. Ibinahagi rin ng PrimeWater Surigao Metro ang mga chlorine drums upang magamit sa pag-iimbak ng tubig.

“Bilang isa sa mga partner sa komunidad, isa ito sa pangunahing proyekto ng PrimeWater Surigao Metro upang maka-ambag sa pagkakaroon ng paaralan na may kaalaman sa ekolohiya, malinis at kaaya-aya sa pagkatuto bago magsimula ang mga klase. “ Sambit ni Engr. Cyril Tamarion, Branch Manager ng PrimeWater Surigao Metro.

Dagdag pa ni BM Tamarion na Bayanihan ang kanilang ginawa upang maipakita nila ang kanilang hangarin na maging bahagi sa paghahanda at pagsasa-ayos ng mga paaralan.

Bahagi ito ng Lingap Bukas-Palad, sa ilalim ng Daloy ng Paglingap, na Corporate Social Responsibility Program ng PrimeWater na naglalayong paigtingin ang relasyon ng PrimeWater sa mga taga-Surigao. Bunga ito ng Joint Venture Agreement ng PrimeWater Surigao Metro at Surigao Metropolitan Water District.

Dinaluhan ang Lingap Bukas-Palad ang mga empleyado ng PrimeWater na pinangunahan ni Branch Manager, Engr Cyril L. Tamarion, mga team leaders na sina Engr. Jair Balberan, Engr. Mardie Pongcol, Ma. Cecilia Matias, Sandra Bonilla, Alexcel Casaňa, Joseph Baňacia, mga tubero at ng school principal na si Dr. Richard B. Antallan, PhD at kanyang kasamahan.

(Source: PrimeWater – Surigao Metro Facebook page)

- Advertisement -

2 COMMENTS

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -