Isang US senator tinawag na ‘ignorante’ ni Panelo

0
13

Tinawag na ‘ignorante’ ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo ang isang senador ng Estados Unidos.

Ito ay matapos ipahayag ni Senator Patrick Leahy na ‘wrongful imprisonment’ ang ginawang pag-aresto at pagkulong kay Senadora Leila De Lima.

Ayon kay Panelo, hindi alam ng senador ang mga procedural rules sa pagpapakulong sa isang taong nakagawa ng krimen.

Dagdag pa ng kalihim, hindi pa nakakapunta si Leahy sa bansa para pag-aralan ang kaso ni De Lima kaya wala itong resonableng batayan sa kanyang sinasabi.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nakalusot sa kongreso ng U.S. ang panukalang pagbabawal na makapasok sa nasabing bansa ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pagpapakulong kay De Lima.