2 oil tanker nasunog sa South Korean port

0
20

Ligtas na ang nasa 25 tripulanteng Pilipino at Russian matapos masunog ang 2 oil tanker sa South Korean port.

Ayon sa South Korean Coast Guard, unang narinig ang pagsabog sa Cayman Island-flagged oil tanker na stolt groenland habang nakadaong sa Southern port ng Uslan.

Kumalat naman ang apoy hanggang madamay ang south korean-flagged oil tanker na bow dalian na meron namang 21 mga crew.

Pagtitiyak naman ng South Korean coast guard, nasagip ang lahat ng tripulante ng 2 oil tanker at walang mga marinong Filipino ang nasutan.

Gayunman, napaulat na sampung manggagawa sa port ang sugatan sa insidente.