Isang pulis sa Maynila positibo sa COVID-19

0
16

Isang pulis maynila ang nagpositibo sa COVID-19.

Batay na rin ito ayon kay MPD PIO Chief Lt. Col. Carlo Manuel sa resulta ng laboratory test ng RITM sa nasabing pulis.

Sa spot report ng MPD isang patrolman mula sa Malate Police Station ang una nang itinuring na patient under investigation (PUI) noong March 17 at dinala sa isang ospital sa Quezon City kung saan siya kinunan ng swab sample na ipinadala naman sa RITM ng parehong araw.

Sinabi ng MPD na nagsasagawa na sila ng contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng nasabing pulis.