Isang empleyado ng PNB positibo sa COVID-19

0
17

Kinumpirma ng Philippine National Bank (PNB) na positibo sa COVID-19 ang isang empleyado nila sa PNB financial center sa Macapagal Boulevard, Pasay City.

Lumabas kahapon ang resulta ng COVID-19 test sa naturang empleyado na naka-quarantine na simula pa noong March 11.

Tiniyak ng pamunuan ng PNB na binibigyang tulong nila ang empleyado at pamilya nito.

Kasabay nito ipinabatid ng PNB na nagsasagawa na sila ng top to bottom disinfection sa PNB complex gayundin ang mga branch nila at iba pang tanggapan.