Isang pulis at anim nitong kasamahan arestado sa buy-bust ops sa Taguig

0
14

Tiklo ang isang pulis at ang anim pa nitong kasamahan matapos ang ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Taguig City.

Kinilala ang aktibong pulis na si Master Sergeant Rashid Sanguan, 41 anyos at nakatalaga sa Philippine National Police Security and Protection Group (PSG).

Kabilang sa mga naaresto ng Taguig City police station drug enforcement unit sina Normina Sanguan, 41-anyos, Alfonso Obejas, 42-anyos, Ernie Legaspi, 32-anyos, Joseph Denjuan, 48-anyos, Ronnie Mark Sueño, 29 anyos at Nagrodin Ayob, 39-anyos.

Ikinasa ang anti-drug operation sa mismong bahay ng pulis na si Sanguan na matatagpuan sa V.P. Cruz Street, Barangay Lower Bicutan.

Nasamsam mula sa mga suspek ang iligal na droga na nagkakahalaga ng P27,000, sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga, cellphone at P500 na buy bust money.

Sa ngayon, humihimas na ng malamig na rehas na bakal ang mga suspek sa NCRPO at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.