Tuesday, May 7, 2024

Isa sugatan sa pagpapasabog sa isang restaurant sa Maynila

- Advertisement -

Isa ang sugatan sa naganap na pagpapasabog sa isang restaurant sa Concepcion Aguila, San Miguel, Maynila.

Base sa kuha ng CCTV ng Barangay 638, isang nakamotorsiklong lalake na nakasuot ng itim longsleeve at nakahelmet ang naghagis ng granada sa tapat ng establisyemento.

Agad itong sumabog makalipas lamang ang ilang segundo.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang di pa nakilalang biktima na nasugatan dahil sa insidente.

Napag-alaman na dati naring hinagisan ng martilyo ang nabanggit na restoran.

Ayon sa mga otoridad, alitan sa negosyo ang nakikita nilang motibo sa insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img