Isang production talent ng GMA Network nagpositibo sa COVID-19

0
13

Kinumpirma ng pamunuan ng GMA Network na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa nitong freelance production talent.

Sa pahayag na inilabas ng network, sinabi nito na sila’y nakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) maging sa mga opisyal ng barangay para sa maayos na pagresolba sa pangyayaring ito.

Huling nagpunta ang naturang talent noong Pebrero 28 sa Annex Building ng network.

Pinayuhan na rin ng network ang lahat ng mga empleyado at talents na nakasalamuha –direkta man o second level –na imonitor ang kanilang kalusugan.

Siniguro naman ng network na binawalan na nitong ipagamit ang mga lugar na napuntahan ng talent at agad din itong isinailalim sa disinfection alinsunod sa DOH protocols.

Samantala, kasalukuyan nang nasa ospital ang pasyente at ginagamot kontra COVID-19.