COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa 307 —DOH

0
17

Pitumpu’t pitong (77) panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naitala ngayon sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire dahilan para umakyat na ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa 307.

Samantala, umabot na sa 19 ang bilang ng nasawi dahil sa virus habang 13 naman ang gumaling mula sa nasabing sakit.