35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Isang paaralan sa Laguna nagsuspinde ng pasok dahil sa bomb threat

- Advertisement -

Nakansela ang klase sa Dayap Elementary School sa Calauan, Laguna dahil sa natanggap na bomb threat.

Ayon sa ulat, mismong ang principal ng paaralan nakatanggap ng bomb threat kung saan isang hindi pa kilalang tao ang nag-text na mayroon umanong bomba sa naturang paaralan.

Dahil dito, agad pinauwi ang mga estudyante at mga empleyado ng paaralan para bigyan daan ang clearing operation ng mga otoridad.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng pinanggalingan ng impormasyon ukol sa bomb threat.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -