28.7 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

City at provincial buses umapela ng fare increase

- Advertisement -

Umapela na rin ngayon ng taas pasahe ang mga operator at drayber ng city at provincial buses.

Ito ay dahil sa patuloy umanong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa ulat, hiniling ng mga bus operator sa Metro Manila ang dagdag na piso sa unang limang kilometro para sa mga ordinary bus habang piso at bente sentimos naman para sa aircon buses.

Ang mga provincial bus operators naman, nais na ng katorse sentimos na dagdag sa pasahe ng kanilang ordinary buses habang disi sais sentimos hanggang bente dos sentimos naman na taas pasahe sa aircon buses.

Samantala, ipinabatid naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na  hindi pa nila nadedesisyunan ang hirit ng Alliance for Concerned Transport Organization o ACTO na dose pesos na taas pasahe sa jeepney.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -