31.6 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Isang miyembro ng NPA patay sa engkuwentro sa Masbate

- Advertisement -

Patay ang isang miyembro ng NPA o New People’s Army matapos maka-engkwentro ang militar at pulisya sa Masbate.

Ayon kay Philippine Army 9th Infantry Division Public Affairs Officer Captain Joash Pramis, nangyari ang sagupaan pasado ala sais y medya kaninang umaga sa bahagi ng barangay San Antonio, bayan ng Milagros.

Narekober naman sa lugar ng bakbakan ang dalawang armas kabilang ang isang M14 at M653 rifle, dalawang improvised explosive devices at mga subersibong dokumento.

Wala namang napaulat sa panig ng Philippine Army 2nd Infantry Battalion at Milagros Municipal Police Station.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -