Isang medical-dental aktibidad ang ginagawa ng BeGH bilang parti ng BIYAG festival sa Benguet

0
4

(Baguio City – La Trinidad, Benguet) Nagbibigay ang Benguet Provincial Health Office (PHO) ng iba’t ibang medical-dental services habang isinasagawa ang isang linggong pagdiririwang ng Benguet Indigenous Youth Arts Guild o ang BIYAG Festival sa araw ng Abril 24 hangang 28, 2023 sa Kapitolyo ng Probinsiya.

Maliban sa serbisyong medical-dental, magsasagawa rin sila ng pagtataguyod ng kalusugan o ang tinatawag na health promotion activities. Sa mga nasabing araw na kanilang itatayo ang health booth sa Kapitolyo ng probinsiya o sa Provincial Capitol lobby magmula ng alas-otso hangang alas – singko ng hapon kung saan ay bibigyang pansin ang mga kabataan. Ang mga ibibigay na mga health services ay ang pagbabakuna ng COVID-19, deworming, HPV Vaccine mula 9-hangang 14 taong gulang na may patnubay ang kanilang magulang, HIV screening, Optometric Services, Dental Assessment/Oral Examination, emergency health services at laboratory services. Maliban dito, mayroon din para sa problema sa Family Planning at sa mga kabataan o Adolescent, mental health at iba pa.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

(Credit to BeGH file)

Leave a Reply