Baguio City – Isang international organization sa pakikipagtulungan ng City Veterinary and Agriculture Office (CVAO) ang nagsagawa ng health check sa mga kabayo sa Wright Park at Camp John Hay mula disyembre a 10 hanggang 11, ng taong ito.
Ayon kay City Veterinary and Agriculture Office department Head Dr. Silardo Bested, ito ay upang tiyakin na ang mga kabayo roon ay nasa tamang kalusugan sa kasagsagan ng panahon ng turismo lalong lalo ngayong panahon ng taglamig.
Anya may 250 kabayo at Wright Park at 50 pang kabayo sa Camp John Hay ang tumanggap ng libreng veterinary care mula sa San Francisco-based International Veterinary Outreach (IVO) sa pakikipagtulungan sa CVAO at ng mga veterinary medicine students ng Benguet State University.
Ang pangangalagang veterinary kasama rito ang paglalapat ng anti-tetanus vaccines, ang pag-aalis ng mga parasites, pang aalaga ng mga ngipen, pag aalaga ng sugat, at marami pang iba upang mapanatili malusog at malakas ang mga naturang kabayo sa mga parke ng lungsod.
Sinabi ni Bested ang pagsubaybay ng kalusugan ng mga kabayo ay upang maiwasan ang mga sakit sa panahon ng tag lamig lalong lalo na ang pneumonia. Kasabay nito, anya kailangan din isagawa ang regular pagsusuri ng mga ito upang maiwasan ang sobrang pagtatrabaho ng mga kabayo sa mga kasagsagan ng pagdating ng mga turista. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PIO-Baguio)
