Isang GSIS na empleyado positibo sa COVID-19

0
16

Isang empleyado ng GSIS Head Office sa Pasay City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay GSIS President at General Manager Rolando Macasaet March 7 nang magsimulang magpakita ng sintomas ang nasabing pasyente at apat na araw ang nakalipas bago ito na ospital.

Nakumpirma ang pagiging COVID-19 infected ng nasabing empleyado matapos lumabas ang laboratory result.

Tiniyak ni Macasaet ang patuloy na contact tracing at maging siya ay kabilang sa mga naka self-quarantine.

Ang GSIS building ay mananatiling sarado hanggang April 15 matapos itong magsara ng March 12 matapos mag positibo sa COVID-19 ang isang resource person na dumalo sa pagdinig ng Senado.