COVID-19 test kits mula China dumating na sa bansa

0
20

Dumating na sa bansa ang unang batch ng test kits para sa COVID-19 mula sa China.

Ayon sa embahada ng China 2,000 test kits ang nasa Pilipinas na at madadagdagan pa ito sa mga susunod na araw.

Una nang nangako ang China na a alalay sa Pilipinas sa kabila nang patuloy na pagkalat ng sakit sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Bukod sa Pilipinas nagpadala na rin ng test kits ang China sa Japan, Thailand, Brunei, Egypt, Peru at United Arab Emirates.