Isang dating sundalo at 2 iba pa timbog sa droga

0
54

Arestado ang isang dating sundalo at dalawang iba pa matapos mahulihan ng isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu.

Naganap ang pag-aresto sa suspecs sa buy bust operations na ikinasa ng regional special operation unit at regional drug enforcement unit ng PNP-NCRPO sa 4th level parking ng SM Sucat ParaƱaque City.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng shabu sa dating sundalo na kinilalang si John Wyn Arnaiz alias Bosing.

Agad dinakip si Arnaiz at ang mga kasama nitong sina Joseph Cabatbat at Valentin Arnaiz matapos magpositibo ang bentahan ng droga.

Nakuha sa suspek ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso, isang kalibre .35 baril, pitong bala at bungkos ng boodle money.

—-