Bagyo inaasahang papasok sa bansa ngayong weekend

0
47

Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong may international name na ‘Yutu’ na nasa bahagi ng Karagatang Pasipiko.

Ayon sa PAGASA, bukas araw ng Sabado o sa Linggo ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang nasabing bagyo na papangalanang ‘Rosita’ na posibleng makaapekto sa Northern at central Luzon area.

Huling namataan ang bagyo sa layong 2,120 kilometers Silangan ng Central Luzon.

Bahagya itong humina at taglay ang lakas ng hanging aabot sa 180 kilometero kada oras at pagbugsong aabot sa 220 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong pa-kanluran.

Mananatili ang lakas ng bagyo ngayong araw at bukas, pero hihina pa ito bago tuluyang tumama sa bansa dahil sa pag-iral ng malamig na hangin.

Posible namang anumang araw mula ngayon ay idedeklara na ng PAGASA ang pormal na pagsisimula ng Amihan.

—-